JOSE: Kumusta ang assignment? RICK: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko. JOSE: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!
-----------------
TOTO: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy! JOVY: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo? TOTO: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!
-----------------
DOK: May taning na ang buhay mo. JUAN: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin? DOK: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera. JUAN: Bakit, gagaling po ba ako ru'n? DOK: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!
-----------------
LITO: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2? JOSE: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?! Ang H2O ay water! At ang CO2... COLD water. |
1 comments:
Great site. I will subscribe!
Post a Comment